About Me

My photo
Tanjay City, Philippines

Pangingibang Bansa

Kahirapan! kahirapan! Isa sa mga problemang dinaranas ng mga libo-libong pilipino sa ating bansa at iisa lang ang solusyong ating naiisip kundi pangingibang bansa, pagpapa-alipin sa ibang lahi. . . .
Titiisin lahat upang maiahon lamang sa kahirapan ang mga naiwang pamilya sa pilipinas. . . .

Ngunit ang tanong pangingibang bansa solusyon ba nga ba sa kahirapan? at daan ba nga ba ito sa kaunlaran at magandang buhay?

Ilang beses na akong nakarinig ng mga kwentong pang pamilya kung saan pinipili ng asawa ang mangibang bansa upang maitaguyod at maisalba sa kahirapan ang kanilang pamilya. . .

Ngunit paano naman ang mga naiwang pamilya dito sa pilipinas?
titiisin na lamang ba nila ang pangungulila dulot ng pangingibang bansa?

Oo, ang paghahanap ng trabaho sa ibang bansa ay malaki ang naitutulong sa ating pamilya pero hindi lahat ay pinalad sa pangingibang bansa. Ang iba nga ay tinatrato na parang hayop. Ang iba nga ay halos hindi na makakain makaipon lang ng pera para makabalik lang dito sa ating bansa. .

Ang pamilya naman na naiwan dito ay nilulustay lamang ang perang bawat patak ng pawis at luho ay kapalit ng kanilang matatamis na ngiti at mga luho sa buhay. . .

Mga kaibigan, ang pangingibang bansa ay sagot sa kahirapan na nangyayari sa atin ngayon. Hindi natin pwedeng itaya ang buhay ng mga mahal natin dahil gusto lamang nating matupad ang mga luho sa buhay.

Ngayon tatanongin ko uli kayo pangingibang bansa nga ba ang solusyon sa lahat ng problema?

Isipin natin walang ibang makakasagot sa tanong na ito kundi sarili natin. . . . . .

3 comments:

I am Bong said...

parang talumpati lang ineng... haha

anyway. welcome to the blogosphere... ganda naman ng talumpati mo... hehe

ewik said...

ahm...nagtatalumpati ka ba yotch?ahm... you should wear formal attire... just a friendly advise.hehehe...ok r na yotch...

Unknown said...

lol. hahaha. pang talumpati! mabuhay ang pilipinas!